More Erap Jokes (Bago raw 'to)

----------------------------------------------------

News Flash. Pierce Brosnan has resigned from playing James Bond and was replaced by a Filipino Actor named Joseph Estrada, IQ 007.

His first movie is titled "His Brain is Not Enough".

-----------------------------------------------------

News Flash: Batman is looking for Erap. According to Batman, it is because Erap walks like a Penguin and thinks like a Joker.

-----------------------------------------------------

Flash report: Nalapnos ang kamay ni Erap pagkatapos kumain sa Chowking.

"Pambihira," nasabi na lang ng presidente. Pinakain ninyo ako ng noodles, wala kayong tinidor, malaki pa ang inyong toothpick."

-----------------------------------------------------

*** Words of Wisdom ni Erap ***

If the cat is away, the mouse is alone.

If others can do it, don't help anymore.

Don't talk to strangers if your mouth is full.

Don't count the eggs if it is not yours.

-----------------------------------------------------

"Dad, hindi na nila ako lokohin basta-basta," bungad ni Jude sa tatay. "Nagpa-tattoo po ako sa dibdib mismo!"

"Okay 'yan," sabi ni Erap. "Ano ang inilagay mo, cobra o agila?"

"Hello Kitty!"

-----------------------------------------------------

"Anong klaseng kanin po ang order ninyo, Mr President?" tanong ng waiter sa Presidente nang minsan itong kumain sa labas.

"Pinoy tayo, eh. Plain rice, syempre," sagot ni Erap.

"Ah* And what about your viand (ulam), sir?"

Nagalit si Erap, "Ano ka ba? Alam mo nang Pinoy tayo, syempre, ang bayan (viand) ko, Pilipinas."

-----------------------------------------------------

"Use fish and pepper in a sentence," utos ng guro ni Erap noong ito'y estudyante pa lang.

"May I borrow a fish of pepper?" sagot ni Erap.

-----------------------------------------------------

Nahuli ni Erap ang dalawang empleyado niyang nagyayarian sa office niya.

"Violating company rules kayo niyan," paalala ni Erap.

"Anong rule po?" tanong ng lalaki.

Nag-isip muna si Erap, "Not wearing uniforms!"

-----------------------------------------------------

Nagpunta si Erap sa England at nag-meet sila ng prime minister. Habang kumakain, nagtanong ang prime minister.

"Is San Juanico Bridge the longest bridge in the Philippines?"

"Yes," mabilis na sagot ni Erap saka biglang nag-isip ng maitatanong dinů

"Ah...Is London Bridge falling down?"

-----------------------------------------------------

"Ang gatas ko noong baby ako, Lactum," kuwento ni Marcos sa ibang presidente.

"Ah ako, Enfalac, 'yun ang mahal, eh," sagot ni Cory.

"Ako, Lactogen, kaya ganito ako katalino," sabi ni Ramos.

"Ikaw, Erap, ano ang iniinom mo noon?" tanong ng tatlo.

"Ano yata* Lacofbren."

-----------------------------------------------------

Pa-landing na ang presidential plane. Napansin ng stewardess na parang sumasakit ang tenga ni President Erap dahil sa air pressure kaya lumapit ito.

"Sir, chewing gum para hindi sumakit ang tenga ninyo sa flight," sabi ng stewardess.

Tinanggap ni Erap ang chewing gum. Ilang sandali pa, lumapag na ang eroplano. Kinausap ni Erap ang stewardess.

"Miss, paano ko tatanggalin ang chewing gum sa tenga ko?" tanong nito.

-----------------------------------------------------

Naglalakad sa park si Erap nang bigla siyang nakaramdam na parang may bumagsak sa balikat niya. Tiningnan niya ito at nagalit.

"Lintek na ibon, iniputan ako."

"Sir, kukuha ako ng toilet paper," sabi ng katabing bodyguard.

"Huwag na! Hindi na natin mapupunasan ang puwet ng mga 'yun. Malayo na ang nalipad nila."

-----------------------------------------------------

Nanood ng three act play sina Erap at Loi sa Cultural Center. Pagkatapos ibaba ang telon nang matapos ang act I, nagyayaya na si Erap. "Tara na."

"Teka, intermission pa lang," sagot ni Loi.

"Hindi mo ba nabasa ang program?" tanong ni Erap sabay pakita ng program sa asawa. "Nakasulat * Act II Three Weeks Later. O, maghihintay ka pa?"

-----------------------------------------------------

"Mr. President, our population growth rate is alarming na. May isang babaeng nanganganak bawat minuto," payo ng isang gabinete kay Erap.

"Kailangan natin itong ihinto kaagad!" sigaw ni Erap at tumingin sa ibang tauhan niya, "Hanapin ninyo 'yung babaing 'yun!"

-----------------------------------------------------

"Ano ho ang plano ninyo para sa mga homeless?" tanong ng isang interviewer kay Erap.

"Marami. Kaso may isa lang na problema."

"Ano po 'yun?"

"Ang hirap nilang hanapin. Wala kasi silang mga address, eh."

-----------------------------------------------------

Nakikipaglandian si Erap sa isang babae sa bar.

"Teka, Mr. President, alam mo bang isa akong lesbian?" tanong ng babae.

"Teka, ano ba 'yung lesbian?" tanong ni Erap.

"I love to make love to a sexy girl, undress her, kiss her and embrace her," paliwanag ng tomboy.

Natawa si Erap, "Huwag kang mag-alala, lesbian din pala ako! Pareho tayo ng hilig!"

------------------------------------------------------

Pinagbawalan na magsalita ng Tagalog sa English class sina Erap kaya nahirapan siyang magpaalam na pumunta sa banyo ng isang araw.

"Ma`am, father, mother, I," sabi ni Erap sa guro.

"What? kuwento ni Marcos sa ibang presidente."

"Father, mother, I."

"What, what?"

"Tata, Ina, Ako," pananagalog ni Erap.

-----------------------------------------------------

Mega-traffic sa Mendiola. Tatlong oras nang nakahinto ang mga sasakyan kaya napilitang magtanong ang isang driver sa pulis na nakaantabay.

"Ano ba ang nangyayari?"

"Nasa gitna ng kalsada si Erap, galit na galit sa mga may-ari ng gas dahil taas sila nang taas ng presyo. Ang sabi ni Erap, kapag hindi nagbaba ng presyo ang mga langis, bubuhusan niya ang sarili niya ng langis at susunugin niya ang sarili niya."

"Ang bait ni Erap."

"Kaya umiikot kaming mga pulis para tulungan si Erap na makalikom ng kailangan niya eh."

"Magkano na ang nakukuha ninyo?"

"Sa ngayon, tatlong lighter, limang posporo at sampung galon ng gas."

------------------------------------------------------

O, natawa ka ba?


Return to My Funny Page Index